^

Metro

Tatlong most wanted sa Metro Manila arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tatlong most wanted sa Metro Manila arestado
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), naaresto ng mga tracker team ng Pandacan Police Station ang Top 5 Most Wanted sa lungsod na si Alexis Accad, nahaharap sa kasong Murder sa Manila Regional Trial court Branch 15.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng awtoridad ang tatlong mga Most Wanted Person sa mga siyudad ng Maynila, Pasay City at Parañaque City dahil sa pagtatago para takasan ang mga kina­kaharap na kasong kriminal.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), naaresto ng mga tracker team ng Pandacan Police Station ang Top 5 Most Wanted sa lungsod na si Alexis Accad, nahaharap sa kasong Murder sa Manila Regional Trial court Branch 15.

Natimbog si Accad dakong alas-2:40 ng hapon sa may Ick Street, Brgy. 866, Zone 95, Sta. Ana, Maynila.

Samantala, naaresto nitong nakaraang Oktubre 12 sa may Diego Sierra, Pulanglupa, Las Piñas City ang Top 10 Most Wanted Person ng Pasay City Police na si alyas Rofil. Nabatid na nahaharap ang suspek sa kasong posesyon ng iligal na droga at may warrant of arrest na inilabas ang Pasay RTC Branch 298.

Naaresto naman ng mga tauhan ng Paranaque City Police ang Top 2 Most Wanted Person sa kanila na si alyas Tinoy, 27-taong gulang, at nahaharap sa kasong Murder sa Parañaque RTC Branch 294.

Nakaditine ngayon ang mga suspek sa custodial jails ng natu­rang mga police station habang hinihintay ang disposisyon ng korte sa permanente nilang paglalagakan.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with