1 patay, 2 sugatan sa pamamaril ng pulis sa Malabon

MANILA, Philippines — Isa ang nasawi, habang dalawa ang nasugatan sa nangyaring pamamaril umano ng isang pulis, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Ayon kay Malabon City Police chief PCol. Jay Baybayan, dead-on-the-spot ang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt at puting short, habang sugatan ang kasama nitong babae na dinala sa Tondo Medical Center. Ang isa pang sugatan na si Alexis Gutierrez, alyas Uga ay kasalukuyang ginagamot sa  Makatao Ospital.

Itinuturo namang suspek sa pamamaril ang isang alyas JR.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-5 ng umaga sa No. 51, Basilio St., Brgy. Acacia, Malabon City.

Sa pagsisiyasat nina PSSg Diego G Ngippol PCpl Rocky Pagindas, lumilitaw na sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw at tumambad ang mga duguang biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamama­ril, habang isinasagawa ang follow-up operation laban sa suspek.

Show comments