^

Metro

TF vs El Niño, itinatag sa Makati

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinatag ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang El Niño and Southern Oscillation (ENSO) Task Force na tututok sa mga programa para mabawasan ang epekto ng matinding init.

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay  na importante ang paglikha ng Task Force upang makalikha ng mga ‘contingency measures’ para magpatuloy ang paghahatid ng mga serbisyo at magarantiyahan ang suplay ng pagkain.

Ito ay makaraang ihayag ng Philippine Atmosphe­ric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tumaas sa 80% ang probabilidad na tumama muli ang El Niño sa bansa sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo, Agosto, at Setyembre.

Bubuuin ang Task Force ENSO ng mga pa­ngunahing departamento sa lokal na pamahalaan, mga opisyal ng power at water utility providers. Susuriin muna nila ang kahandaan ng lungsod sa pagresponde sa El Niño Southern Oscillation phenomenon at sa mga epekto nito.

Pamumunuan ang Task Force ng Makati Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC). Mandato nito na lumikha ng mga panuntunan ukol sa suplay ng tubig, kuryente, pagkain, emergency healthcare, proteksyon sa mga imprastraktura laban sa baha at pagguho ng lupa.

Hiningan din ni Binay ang mga power at water concessionaires na lumikha ng konkretong ‘contingency measures’ sa oras na magkaroon ng kakulangan sa suplay.

Tiniyak ng Meralco ang walang patid na suplay ng kuryente sa mga pa­ngunahing tanggapan ng pamahalaan, ospital, at kung posible ay sa financial district ng Makati.

Magpapatupad naman sila ng ‘rotational brownouts’ sa mga residential areas at nakipag-ugnayan na sa mga establisimiyento na maglagay na ng mga backup power generators.

vuukle comment

PAGASA

TASK FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with