^

Metro

Nakumpiska, mga ebidensyang sasakyang ginagamit ng ilang pulis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nakumpiska, mga ebidensyang sasakyang ginagamit ng ilang pulis
Ito ay matapos na magsanib-puwersa ang Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) at Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) para masawata ang mga pasaway na parak.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mas lalo pang pinaigting ang kampanya laban sa mga pulis na gumagamit ng mga sasakyang walang plaka, kumpiskado at ebidensiya sa mga kaso.

Ito ay matapos na magsanib-puwersa ang Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) at Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) para masawata ang mga pasaway na parak.

Ayon kay BGen. Warren de Leon, simula noong Enero 27 ay nagsasagawa na sila ng inventory at camp lockdowns sa ilang kampo ng PNP sa buong bansa upang matukoy ang mga sasakyan ng mga pulis na hindi sumusunod sa batas at sasakyang ebidensiya na ginagamit ng  ilang pulis.

Nabatid na umaabot sa 2,213 na mga sasakyan at mo­­torsiklo ang kanilang nainspeksiyon mula Enero 27 hanggang 31 sa mga kampo sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Lumilitaw na  ilan sa mga pulis ang pasaway at may mga paglabag, kabilang na ang paggamit ng motorsiklo na paso ang registration, walang plaka at gamit ang  improvised plate.

Hindi na binanggit ng IMEG kung may mga pulis na gumagamit ng sasak­yang   ebidensiya sa mga kaso.

“Our goal for conducting this series of camp lockdowns is to apprehend unscrupulous PNP personnel using unregistered, recovered, impounded and carnapped or stolen motor vehicles and motorcycles and instill discipline within our ranks which is part of our efforts to intensify our internal cleansing program,” ani De Leon.

Giit ni De Leon, layon ng kanilang kampanya na ipakita na hindi nila kinukunsinte ang maling gawain ng  mga pulis.

Aniya, sasampahan ng kasong administratibo ang mga pulis na nahuli sa pag­labag.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with