^

Metro

18 tiklo sa pagnanakaw ng krudo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natimbog ng mga tauhan Philippine Coast Guard (PCG) ang 18 tripulante ng isang cargo vessel habang kinum­piska ang tatlong bangka nang maaktuhang    nagnanakaw ng diesel   sa katubigan ng Navotas Fish Port (NFP) nitong nakaraang Sabado.

Sa ulat, nagpapatrulya ang PCG sa bisinidad ng NFP nang mamataan ang limang tripulante ng M/V Mirola 1 na abala na nagsasalin ng diesel sa tatlong bangka na may sakay na 13 tripulante.  Tinukoy ang mga bangka na ang Palawan Pirates 2022, Palawan Pirates 2023 at Palawan Patrick.

Dahil dito, sumampa ang mga coast guard sa barko at nakumpirma ang iligal na aktibidad ng 18 mga suspek nang makumpirma na walang kaukulang dokumento para sa pagsasalin ng diesel.

Humigi’t kumulang 20,000 hanggang 30,000 litro ng diesel na ang naisalin ng M/V MIROLA 1 sa tatlong bangka nang maaktuhan ng PCG.
Napag-alaman pa ng PCG na sangkot din sa fuel pilferage ang tatlong bangka, hindi lamang sa katubigan ng Maynila, kundi pati na rin sa Bataan at Batangas. Posible na ang mga petrolyo na nakukuha nila ay ibinibenta ng patingi-tingi.

Agad na dinala sa Coast Guard Sub-Station Navotas ang mga sangkot na sasakyang pandagat at mga tripulante nito para sa paghahain ng karampatang kaso.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with