^

Metro

Drug suspect pumalag sa buy-bust, utas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang drug suspect nang manlaban sa isang buy-bust operation sa Brgy. Damayang Lagi, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Jordan Balana, itinuturing na top 4 sa listahan ng Quezon City Police Station (QCPD)-Galas Police Station.

Siya ay miyembro rin umano ng “Ramos Balana criminal group” na sinasabing sangkot sa pagtutulak ng droga at robbery holdup sa Quezon City.

Ayon kay P/Maj. Octavio Ingles, deputy commander ng Galas Police Station, dakong alas-10:00 ng gabi nang ikasa nila ang buy-bust operation sa 14th St., Sta. Cecilia, Brgy. Damayang Lagi.

Nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t nagkasa ng buy-bust.

Isang undercover cop ang nagpanggap na bibili ng P2,500 na halaga ng shabu mula sa suspek.

Gayunman, nakahalata umano ang suspek na pulis ang katransaksiyon kaya’t kaagad na nagbunot ng baril at nagpaputok sa poseur buyer.

Ayon kay Ingles, mabuti na lamang at maagap ang kanilang back-up na pulis at kaagad na binaril ang suspek, na nagresulta sa pagkamatay nito habang nakatakas ang kasamahan ng target na sakay ng isang motorsiklo.

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang isang sachet na may limang gramo ng hinihinalang shabu at may street value na P34,000. 

Nakuha rin mula sa kanya ang isang kalibre .38 baril na ginamit umano ng suspek sa paglaban sa mga pulis.

Pinaghahanap na rin ng mga awtoridad ang kasamahan ng suspek.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with