Mga ‘sikreta’ ikakalat ng NCRPO, ngayong holiday seasons
MANILA, Philippines — Magpapakalat ng mga ‘secret’ cops ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para magmantina sa peace and order ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay NCRPO Deputy Regional Director for Operations Brig. Gen. Jack Wanky mga undercover personnel at uniformed officers ang ikakalat sa metropolis partikular sa mga istratihikong lugar tulad ng malls, terminals at iba pang matataong lugar para magbigay seguridad sa publiko.
Idinagdag pa nito, na kapag ganitong holiday seasons naitatala ang pagtaas ng mga street crimes.
“Mayroon tayo mga ‘sikreta’ tawag natin doon. They are in coordination sa mga mall natin. They are strategically stationed sa mga areas,” NCRPO’s number 3 official said.
“We are not letting our guards down. Siyempre mag-e-enjoy din ng Pasko itong mga pulis natin. But we manage in such a way na ‘di mababakante ang mga areas na dapat nakikita kapulisan natin. Hinati-hati natin schedule... so they can be given days to spend with their family,” dagdag pa nito.
- Latest