^

Metro

5 bagong pumping stations, reservoir itatayo ng Maynilad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglaan ang West Zone concessionaire ang Maynilad Water Services, Inc.  ng P2.8 bilyon para sa pagtatayo ng limang bagong pum­ping stations at reservoirs sa  Quezon City, Valenzuela, Muntinlupa at Cavite  sa susunod na limang taon.

Ayon sa Maynilad, ang bagong pasilidad ay magpapalakas ng  water pressure sa  pipe network at magda­ragdag ng 211 million liters sa Maynilad’s water storage capacity na malaking tulong  para mabigyan ng maayos na suplay ng tubig ang mga consumers maging ang mga nasa matataas na lugar.

Bukod sa pagtatayo ng bagong pasilidad, naglaan din ang Maynilad ng P1.5 bilyon para naman sa rehabilitasyon ng 17 nilang  kasalukuyan  pumping stations at reservoirs para matiyak ang operational efficiency at mapabuti ang performance para sa mahusay na pagsusuplay ng tubig.

Ang naturang mga proyekto ay bahagi ng P219.8-billion total spending plan ng Maynilad para sa taong  2023  hanggang  2027,  kasama na ang pagtatayo ng bagong water at wastewater treatment plants, replacement at repair ng mga lumang tubo ng tubig.

“Through these infrastructure investments, we hope to support the growing demand for water and improve service reliability for the long term,” pahayag ni said Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez.

Sa kasalukuyan, ang Maynilad ay mayroong  38 pumping stations at 37 reservoirs na nasa  strategic locations  sa loob ng kanilang  concession area.

RAMONCITO S. FERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with