26 pamilya sa Maynila, nabiyayaan ng lupa

MANILA, Philippines — Nasa 26 na pamilya ang nabiyayaan ng sariling lupa sa ilalim ng ‘Land for the Landless’ ng Manila City Government.

Pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo-Nieto, at Manila Urban Settlements Office (MUSO) Officer-in-Charge Atty. Cris Tenorio ang paggawad ng sertipikasyon ng lupa sa mga naturang pamilya, na mula sa District 2, 3, at 4 ng lungsod nitong Biyernes na idinaos sa Manila City Hall sa programang ito, ang mga kwalipikadong Manilenyo lang ang mabibigyan ng lupa na aabonohan ng pamahalaang lungsod ng Maynila na kanilang unti-unting babayaran sa loob ng 30 na taon.

Ipinaliwanag ni Lacuna sa mga benepisyaryong pamilya na gawin ang responsibilidad nang pagbabayad upang magamit ito ng lokal na pamahalaan sa pagtulong naman sa iba pang kwalipikadong residente na walang lupa.

“Sikapin po natin na maibalik natin sa pamahalaang lungsod ang pagsisikap namin para sa inyo,” aniya.

Show comments