^

Metro

SSS members na may utang, hinikayat na sumailalim sa bagong condonation program

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
SSS members na may utang, hinikayat na sumailalim sa bagong condonation program
Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Michael G. Regino na dapat samantalahin ng mga miyembrong may upaid loans ang naturang programa.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro na may unpaid loans na sumailalim sa bagong penalty condonation program na hindi gaanong masakit sa bulsa ang pagbabayad ng kanilang past-due loans.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Michael G. Regino na dapat samantalahin ng mga miyembrong may upaid loans ang naturang programa.

Ang mga miyembro na qualified na mag-avail ng programa ay yaong may outstanding Salary Loans kabilang na ang Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Calamity, Emergency Loan, at Restructured Loan.

Sa ilalim ng programa, pagsasamahin ng SSS ang principal at interest ng member’s past-due short-term member loans sa isang consolidated loan habang ang lahat ng unpaid penalties ay pag-iisahin at babayaran oras na magkaroon ng full payment ang consolidated loan.

Ang mga interesadong pasakop sa programa ay dapat na may past-due short-term member loan sa panahon ng kanilang aplikasyon, walang natatanggap na permanent total disability o retirement at hindi na disqualified dahil sa ginawang katiwalian laban sa SSS at may aktibong My.SSS account.

Kapag nabigo ang miyembro na bayaran ang utang base sa consolidated loan agreement, kakaltasin ng SSS ang outstanding balance ng consolidated loan mula sa short-term benefits (sickness, maternity, o partial disability benefit claims) at final benefits (permanent total disability, death, retirement) alinsunod sa Social Security Commission (SSC).

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with