^

Metro

COVID-19 positivity sa NCR, patuloy ang pagtaas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 positivity sa NCR, patuloy ang pagtaas
Face mask-clad pedestrians cross a road in Manila on September 12, 2022. The Philippines on September 12 lifted a requirement for masks to be worn outdoors, more than two years after imposing the ruling as part of health measures against the Covid-19 coronavirus.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Muling umakyat ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nang maitala ito sa 18.9% nitong Setyembre 26 mula sa 17.5% noong Setyembre 19, ayon sa OCTA Research Group.

Pero bumaba naman ang reproduction rate ng virus sa 1.10 mula sa 1.28 sa parehong panahon.  Ang reproduction number ang tumutukoy sa bilang ng tao na maaaring mahawa ng isang kaso.

Ang daily average attack rate sa rehiyon ay naitala sa 7.32 kada 100,000 indibidwal na itinutu­ring na nasa ‘moderate risk’ na. “The good news is that the healthcare utilization rate for COVID in the NCR remained low at 35%... while the ICU occupancy also remained low at 29%. The NCR is at moderate risk,” ayon sa OCTA Research.

Itinuro ni OCTA fellow Ranjit Rye ang pagtaas sa mga kaso sa mas nakahahawang variants ng CO­VID-19, mas mataas na paggalaw ng mga tao, pagbaba sa pagsunod sa minimum public health standards (MPHS), at pagbaba na rin ng proteksyon ng ‘primary series’ na bakuna habang hindi pa nagpapa-booster ang maraming mamamayan.

Sa kabila ng pagluluwag sa polisiya sa face mask, iginiit ni Rye sa publiko na patuloy na magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar at maghugas lagi ng kamay at magpa-booster shot na rin.

COVID-19

OCTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with