^

Metro

Chinese dinukot, ninakawan ‘itinapon’ sa daan

Emmanuel Tupas - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese na umano’y dinukot at pinagnakawan sa Parañaque City saka dinala ng kanyang mga abductor sa Cavite.

Natagpuan ng ilang concerned citizen ang biktimang si Weng Peng Xiao sa kalsada sa Barangay Pasong Buaya II sa Imus City dakong alas-7:30 ng umaga. Ayon sa biktima, tatlong lalaki kabilang ang dalawang Chinese at isang Pinoy ang ninakawan siya sa Brgy. Tambo sa Pa­rañaque dakong alas-2 ng madaling araw.

Puwersahan umano siyang pinasakay ng mga suspect sa sasakyan at ibiniyahe pa-Cavite.

Natangay umano ng mga suspects ang kanyang tatlong cellphones, bank cards at maging ang kanyang driver’s license.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga suspect.

CHINESE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with