^

Metro

Taas-pasahe sa bus, dedesisyunan na - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Taas-pasahe sa bus, dedesisyunan na - LTFRB
Commuters line up early at the Nepa Q-Mart station of the EDSA Bus Carousel in Quezon City to beat the influx of passengers as they head to their respective workplaces on June 21, 2022. The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) estimated last week that there were less private cars plying EDSA and possibly an increase in passenger volume riding various public transportation due to the continuing hike in pump prices by oil companies.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Magpapalabas na ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa petisyon ng mga bus operators na maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong bus sa susunod na linggo.

Ayon kay LTFRB chair­person Cheloy Garafil, hinihintay na lamang ng ahensiya ang position paper na ilalabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Agosto 17 hinggil sa bus fare hike para mailabas na nila ang desisyon para dito.

Sinabi ni Garafil na  submitted for resolution na ang fare hike petition ng mga bus ope­rators sa pagtataas sa singil sa pasahe sa bus  kaya’t  wala ng pagdinig na gagawin para dito.

“We admit that there’s really–yung gas prices ay talagang tumaas na since the last fare increase sa buses. But we also recognize na magkakaroon talaga ito ng impact sa ating mga pasahero that’s why we’re very, very careful,” dagdag ni Garafil.

Hirit ng mga bus operators na maitaas ng mula ?4 hanggang ?7 ang pamasahe sa bus upang mabawasan ang epekto sa kanilang hanapbuhay ng matin­ding taas sa presyo ng petroleum products.

Taong 2018 pa huling nagtaas ng pasahe sa mga pampasaherong bus.

BUS

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with