^

Metro

COVID-19 positivity rate sa NCR, tuloy ang pagtaas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR), habang 15 lalawigan sa bansa ang nakitaan ng OCTA Research Group ng “very high” positivity rates ngayong Agosto.
Sa pag-aanalisa ng OCTA sa datos mula sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 17.5% ang positivity rate sa NCR nitong Agosto 6 mula sa da­ting 15.5% noong Hulyo 30.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19, mula sa bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa testing.
Sa kaniyang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang Camarines Sur ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate na nasa 48.7% mula sa dating 30.3% noong Hulyo 30.

Ang iba pang mga lalawigan na nakapagtala rin ng very high positivity rates ay ang: Isabela na may 47.6% mula sa dating 35.7%; Tarlac na may 41.9% mula sa dating 33.1%; Nueva Ecija na may 38.4% mula sa dating 25.0%; Pampanga, na may 35.0% mula sa dating 23.3%; Laguna na may 33.2% mula sa da­ting 30.9%; Cagayan na may 30.5% mula sa da­ting 22.2%; at La Union na may 29.4% mula sa dating 24.0%.

May ibang lalawigan naman na bumaba ang positivity rate tulad ng Bataan na mayroon na lamang 13.2%; Batangas na may 15.2%; Cavite na may 21.1%; Ilocos Norte na may 9.9%; Quezon na may 25.1%; at Rizal na may 18.8%.

Una nang iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Linggo na nakapagtala sila ng 4,621 bagong COVID-19 cases, kaya’t umaabot na ngayon sa 3,803,955 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with