^

Metro

Ecowaste umapela sa mga kandidato

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ng environmenta­list group Ecowaste Coalition sa mga kandidato na ma­ging responsable sa kanilang mga campaign materials na ginamit sa nagdaang halalan sa bansa.

Dapat sana ay magkanya kanyang tanggal ang mga kandidato ng kanilang mga campaign materials at umisip ng paraan kung paano ito mapapakinabangan pa sa pagrerecycle.

Ayon sa Ecowaste coalition na kailangan ding makiisa ang mga kandidato sa paglilinis ng mga naglipanang campaign materials, nanalo man o natalo upang maging malinis ang kapaligiran.

Maaari anilang ma-recycle ang mga campaign materials sa pamamagitan ng paggawa mula dito ng bag na lalagyan ng mga gulay at isda sa pamamalengke at maaari ring magamit na mantel sa upuan at lamesa.

Ang tambak na basura anila na iniwan ng nagdaang halalan ay malaking hamon sa mga kandidato para makipagtulungan sa pamahalaan na malinis ang kapaligiran.

Dapat umanong isaisip ng mga kandidato ang kanilang responsibilidad makaraan ang bawat halalan sa bansa.

vuukle comment

ECOWASTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with