Bawas singil sa tubig ipatutupad sa Marso 21 – MWSS
MANILA, Philippines — Simula sa darating na Marso 21 ay may bawas singil sa tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan na seneserbisyuhan ng Maynilad Water at Manila Water.
Ito ang inanunsyo kahapon ng pamunuan ng Metropolitan Waterworks and Sewarage System (MWSS) Regulatory Office matapos mabigyan ng legislative franchise ang dalawang water concessionaire.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty ang bawas-singil ay bunsod ng pag-alis ng 12 percent ng value-added tax (VAT) sa mga water concessionaire na papalitan ng mas maliit na percentage tax.
Ang Maynilad Water ang nagsusuplay ng tubig sa west zone ng Metro Manila at Cavite, habang Manila Water naman ang nagsusuplay ng tubig sa sa east zone at Rizal province.
- Latest