^

Metro

4 nasawi sa sunog sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4 nasawi sa sunog sa Maynila
Ang labi ng isa sa apat na mga nasawi sa sunog sa Remegio St. sa Sta. Cruz, Manila nang matagpuan ng rumespondeng mga bumbero.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Apat na residente ng Sta. Cruz, Maynila ang nasawi makaraang sumiklab sa kanilang lugar ang isang malaking sunog kahapon ng umaga.

Kinilala ng Alvarez Police Community Precinct- Sta. Cruz Police Station 3 ang mga nasawi na sina Denise Cadag, alyas ‘Wawa’, 15-anyos; Rina Mae Hernandez, 21; isang “John Kazim” at isang Jasmine Usman, 57-anyos. Nabatid na nagdadalang-tao rin ang nasawing si Hernandez.

Nakaratay naman ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isa pang residente na si Jimmy Canillas, kinakasama ng nasawing si Hernandez.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-9:45 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa may M. Natividad Street malapt sa kanto ng Mayhaligue at Remegio Sts., sa Brgy. 316 Sta. Cruz.

Agad namang nakontrol ng mga rumespondeng mga bumbero ang apoy dakong alas-10:13 ng umaga at tuluyang napatay dakong alas-10:26 ng umaga.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa sanhi ng sunog na kumalat sa ilang katabing bahay na pawang gawa sa ‘light materials’.

vuukle comment

ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with