72-anyos na lola huli sa shabu at boga
MANILA, Philippines — Arestado ang isang 72-anyos na lola na nakumpiskahan ng mahigit sa P1 milyong halaga ng shabu at baril sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Jimili Macaraeg ang nadakip na suspek na si Vilma Ajili Isani, alyas Madam at residente ng Brazil St., UMC Village, Brgy. Napindan, Taguig City.
Ani Macaraeg, dakong alas-5:30 ng hapon nang maaresto ng Taguig Drug Enforcement Unit si alyas Madam sa kaniyang bahay, matapos magbenta sa police poseur-buyer ng P50,000.00 halaga ng shabu.
Bukod sa narekober na 152.06 gramo ng shabu na may street value na ?1,034,008.001, isang kalibre 45 baril at mga bala “Walang pinipili ang kampanya kontra illegal drugs ng Southern Police District, bata man o matanda, babae o lalake, pantay pantay namin ipatutupad ang batas”, ani Macaraeg.
- Latest