_ngayon
^

Metro

ICU ng PGH puno na sa mga batang may COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
ICU ng PGH puno na sa mga batang may COVID-19
Sinabi ni PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario na mas dumarami ngayon ang mga batang isinusugod sa pagamutan na isang ring COVID-19 referral center, makaraan ang pagdating sa bansa ng mas mapanganib na Delta variant.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa ‘full capacity’ na kahapon ang COVID-19 intensive care units  ng Philippine General Hospital (PGH) sa mga batang tinatamaan ng COVID-19  .

Sinabi ni PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario na mas dumarami ngayon ang mga batang isinusugod sa pagamutan na isang ring COVID-19 referral center, makaraan ang pagdating sa bansa ng mas mapanganib na Delta variant.

Kahapon, nakapagtala ang PGH ng 150 COVID-19 patients, bata at matanda, na siyang pinakamataas nila sa loob ng dalawang buwan.

Sa kasalukuyan, hindi pa kabilang ang mga bata sa ‘vaccination program’ ng pamahalaan kaya nanawagan si Del Rosario sa mga magulang at guardians na higpitan ang paglabas ng mga bata dahil hindi rin sila ligtas na mahawa ng virus.

Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) na plano nilang itaas ang target nilang populasyon na mabakunahan mula sa 70 milyon tungo sa 80 milyon.

Dahil dito, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na inaasahan na makakasama na sa naturang bilang ang mga Pinoy na may edad 18-taong gulang at pababa.

PGH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with