_ngayon
^

Metro

Lolo, tumalon mula sa penthouse ng 20-palapag na condo, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 74-anyos na lolo matapos na tumalon mula sa tinutuluyang penthouse ng isang 20-palapag na condominium building sa Cubao, Quezon City, kahapon.

Basag ang bungo at halos nagkabali-bali ang mga buto ng biktimang hindi na pinangalanan ng mga imbestigador, para sa proteksiyon nito at ng kanyang pamilya.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nabatid na dakong alas-8:26 ng umaga nang maganap ang insidente sa Penthouse ng Tower 1, Garden Island Condominiums, na matatagpuan sa N. Domingo St., Brgy. Valencia, Cubao.

Batay sa pahayag ng isang saksi, na residente rin sa nasabing lugar, naghahanda umano sila ng kaniyang 10-taong gulang na anak para sa zoom class habang ang kanilang kasambahay naman ay abala sa mga gawain nang makita nila ang biktima na lumabas sa unit nito.

Hindi naman umano nila pinansin ang matanda, subalit laking pagkabigla nang bigla na lang itong tumalon mula sa gusali.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na halos 10-taon nang dumaranas ng depres­yon ang matanda at makailang ulit na rin umano itong nagtangkang magpakamatay.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with