^

Metro

15 Chinese dinakip sa sablay na work visas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa 15 Chinese nationals ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa paglabag sa kanilang work visas sa lalawigan ng Cavite nitong nakaraang Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang 15 ay nadakip sa loob ng isang bodega sa business center sa may Barangay Niog II, Bacoor, Cavite. Katuwang ng BI ang mga tauhan ng Police Regional Office 4A sa naturang operasyon.

Ayon kay Morente, sa 15 nahuli nasa 10 sa kanila ang may hawak na wor­king visa na buhat sa ibang kumpanya at hindi ang kumpanya kung saan sila inabutang nagtatrabaho bilang office staff at stock managers.

“That is a clear violation of immigration laws, hence they will be subjected to deportation proceedings,” ayon kay Morente.

Nagbabala si Morente sa ibang dayuhan na ilegal na nagtatrabaho sa bansa na patuloy ang operasyon ng kanilang intelligence operatives kahit na may pandemya kaya matutuklasan sila.  

Hinihikayat niya ang mga dayuhan na gawing lehitimo ang pananatili sa bansa upang hindi mapatalsik palabas at mailagay sa blacklist.

Nakatakda namang isailalim sa COVID-19 RT-PCR testing at quarantine ang 15 dayuhan saka pansamantalang ididitine sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang kanilang deportasyon.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with