_ngayon
^
Toll fee increase sa NLEX, simula na
Ayon sa NLEX Corp., ang paniningil nila ng nominal na 2-3% toll increase ay sisimulan ganap na alas-12:01 ng madaling araw, alinsunod na rin sa pag-apruba dito ng Toll Regulatory Board (TRB).
The STAR/ Michael Varcas

Toll fee increase sa NLEX, simula na

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Epektibo na ngayong araw ng Martes, (Mayo 18) ang ipapatupad na toll fee increase sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon sa NLEX Corp., ang paniningil nila ng nominal na 2-3% toll increase ay sisimulan ganap na alas-12:01 ng madaling araw, alinsunod na rin sa pag-apruba dito ng Toll Regulatory Board (TRB).

Nabatid na ang bagong rates para sa Class 1, 2 at 3 vehicles na daraan sa Open System ng NLEx ay magiging P60 o karagdagang P2 mula sa P58, para sa Class 1 vehicles o yaong kotse, jeepneys, pick-ups, taxis, vans o mga sasakyan na may dalawang axles at nasa pitong talampakan ang taas.

Aabot naman sa P149 o karagdagang P3 mula sa dating P146, para sa Class 2 vehicles na kinabibilangan ng mga bus at maliliit na commercial trucks habang P179 o karagdagang P4 mula sa dating P175, para sa Class 3 vehicles na kinabibilangan ng malalaking trucks at mga trailers.

Samantala, ang mga motorista naman na gumagamit ng buong kahabaan ng NLEX ay kinakailangang magbayad ng P272, mula sa dating P266, para sa Class 1 vehicles; P679, mula sa dating P665, para sa Class 2 vehicles at P815, mula sa dating P799, para sa Class 3 vehicles.

Una nang sinabi ng NLEX Corp na ang natu­rang rate adjustment ay bahagi ng inaprubahang periodic toll increases noon pang 2012 at 2014.

Pinayagan umano sila ng TRB na magpatupad ng staggered collection sa toll increase upang mabawasan ang impact nito sa mga motorista. — Angie dela Cruz

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with