^

Metro

High-tech na plantasyon ng marijuana sa condo unit, nabuko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
High-tech na plantasyon ng marijuana sa condo unit, nabuko
Nasabat ng mga tauhan ng pulisya ang itinanim na high grade marijuana sa loob ng isang condominium sa Taguig City kung saan nadakip ang isang US Air Force officer at nasamsam ang may P2.2 milyon ng Kush.
Miguel De Guzman

US Air Force officer, 1 pa timbog

MANILA, Philippines — Timbog ang isang retiradong United States Air Force officer at kaniyang kasamahan makaraang salakayin ng pulisya ang kaniyang condominium unit sa Taguig City na nagresulta sa pagkakadiskubre ng kaniyang ‘high-tech’ na plantasyon ng Kush marijuana Huwebes ng hapon.

Kinilala ang ina-resto na si Raul Antonio Cisneros, 36, at live-in partner niyang si Meljie Maquiling, 28, kapwa nanunuluyan sa Royal Palm Residence Acacia Estates sa Brgy. Ususan, Taguig. Sa rekord ng pulisya, dati nang naaresto si Cisneros ng mga awtoridad noong 2019 dahil sa pagtutulak ng mga party drugs.

Sa ulat ng pulisya, unang inginuso si Cisneros ng mga ‘tulak’ ng Kush na naaresto sa Taytay, Rizal na siyang pinagkukunan nila ng suplay. Naki-pag-koordinasyon ang Taytay Police at Rizal Provincial Police Office sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Taguig City Police kaya naikasa ang buy-bust ope­ration.

Isang asset ng pulisya ang bumili ng tatlong plastic sachet ng marijuana sa mga suspek sa halagang P5,000.  Hindi na nakapalag ang mga suspek nang ipatupad ng mga pulis ang pag-aresto sa kanila.

Sa pagpasok sa con­dominium unit, dito bumungad ang plantasyon ni Cisneros na gumagamit ng mga aparato, UV lights at ventilation equipments para hindi makalabas ang amoy ng marijuana.

Aabot sa 137 tanim ng marijuana na nakapaso sa tatlong kuwarto sa ikaapat na palapag ng condominium bldg ang nakumpiska ng mga pulis. Aabot sa P2.2 milyong halaga ng iligal na droga at equipments ang kinumpiska ng mga awtoridad.

Nakaditine ngayon ang dalawa sa Taguig City Police Station De­tention Center at na­haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Da-ngerous Drugs Act of 2002 sa Taguig City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with