P1.9 milyong ecstasy nasabat sa 4 na lalaki
MANILA, Philippines — Apat na umano’y ‘tulak’ ng iligal na droga ang naaresto matapos masamsaman ng nasa P1.9 milyong halaga ng mga capsulized at tablets ng ecstasy sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.
Sa inisyal na ulat na ipinadala kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Police Major General Vicente Danao Jr., ang mga suspek ay kinila-lang sina Timothy Joseph Espiritu, alyas Elix, Lorenzo Vito Barredo, John Valdueza Galas at, Aureo Alota Cabus Jr.
Nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang 500 piraso ng Molly (capsulized ecstasy) na nagkakahalaga ng P1,750,000, at 100 piraso ng MDMA (ecstasy tablets) na nasa P200,000.00.
Isinagawa ang joint buy-bust operations ng PDEA RO-NCR, Sou-thern Police District, at Police Community Precinct-Bonifacio Global City Police Station laban sa mga suspek dakong alas-9:30 ng gabi sa 26 St., cor. Rizal Dr., BGC, Taguig City.
Isinailalim na sa inquest procedings ang mga suspek sa paglabag sa Sections 5, 11 habang pinag-aaralan pang sampahan din ng section 15 ng Republic Act 9165 .
“Team NCRPO will not waver in our campaign against illegal drugs despite the current health crisis. We will continue to protect our people and we will never allow drug personalities to thrive in the community,”ani Danao.
- Latest