^

Metro

Rail workers na dinapuan ng COVID-19, higit 1K na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na ngayon sa mahigit 1,000 ang bilang ng rail workers sa Metro Manila na nagpositibo sa COVID-19 hanggang alas-5 ng hapon ng Abril 17, 2021.

Sa inilabas na datos ng Department of Transportation (DOTr) kahapon, nabatid na sa kabuuang 8,277 rail workers ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), LRT-2, Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR), ay 5,532 na ang naisalang sa COVID-19 test, simula nang ipag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mass tes­ting sa kanilang hanay.

Sa nasuring rail wor­kers, 1,012 ang positibong dinapuan ng virus.

Sa ngayon ay 680 pa sa kanila ang nananatiling aktibong kaso habang 332 ang gumaling na.

Ayon sa DOTr, sa 1,185 personnel ng LRT-1 ay 1,001 ang nasuri at 161 ang nagpositibo.

Sa 1,979 personnel ng LRT-2, nasa 1,933 ang na­suri at 328 ang nagpositibo sa sakit. 

Sa 3,284 MRT-3 personnel naman, 1,315 ang nai­salang sa COVID-19 testing at 273 ang nagpositibo sa sakit. 

Samantala, sa 1,829 tauhan ng PNR, 1,283 ang nasuri at 250 ang nakumpirmang dinapuan ng CO­VID-19.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with