^

2 bata patay sa sunog sa Caloocan

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang bata ang nasawi makaraang ma-trap sa loob ng isang nasusunog na bahay sa Caloocan City nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng  Bureau of Fire Protection, kinilala ang mga biktima na sina Kendal Janda at Mikho Cabansag, pawang 3-anyos.

Ayon sa BFP-NCR Public Information Office, walang kasamang matanda ang dalawang bata nang maganap ang sunog.

Bandang alas-6:35 ng gabi nang tupukin ng apoy ang isang 2-storey na bahay sa Ana Bustamante Street sa Brgy. 43, Caloocan City.

Ang apoy  na nagsimula sa unang palapag ng nasabing tahanan ay mabilis na kumalat at  bumalot sa buong kabahayan kung saan na-trap ang dalawang paslit.

Tumagal naman ang sunog ng mahigit 10 minuto  at bandang alas-6:44 ng gabi ng ideklara itong fire out ng mga nagrespondeng bumbero.

Nabatid na 14 katao ang naninirahan sa nasabing 4 palapag na bahay.

Sa inisyal na pagtaya, nasa P60,000 ang pinsala sa nangyaring sunog. Patuloy naman ang masusing imbestigasyon sa kaso.

BFP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with