^
2 utas, P210 milyong shabu nasamsam sa buy-bust
Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas nakilala ang mga nasawing suspects na sina Richard Jen Jieko Salameda Amarga, alyas Koy-Koy o Coco at Andrew Guinto Garcia. Nabatid na naganap ang insidente sa Sherack St., Brgy. Almanza Uno, Las Pin?as City dakong alas 10:15 ng gabi.
STAR/ File

2 utas, P210 milyong shabu nasamsam sa buy-bust

Doris Franche, Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang  drug suspects matapos na makaengkuwentro ang mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), Criminal Investigation and Detection Group-Camp Crame, Philippine Drug Enforcement Agency National Capital Region (PDEA-NCR) kung saan nakumpiska ang  P210.8 milyon halaga ng  shabu kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Ayon kay  PNP Chief General Debold  Sinas nakilala ang mga nasawing suspects na sina Richard Jen Jieko Salameda Amarga, alyas Koy-Koy o Coco at  Andrew Guinto Garcia. Nabatid na naganap ang insidente sa  Sherack St., Brgy. Almanza Uno, Las Pin?as City dakong alas 10:15 ng gabi.

Kasabay nito, nakumpiska ng mga ­operatiba ang 31 kilo na shabu na nagkakahala ng  P210,800,000.00, isang blackish mica red Toyota Innova; isang paper bag na naglalaman ng P1,500,000.00 boodle money na ginamit sa buy-bust money; dalawang cal. 45. na baril.

Lumilitaw sa pagsisiyasat  na ang mga suspect ay kilalang distributor illegal drugs at miyembro ng  ‘Sputnik Gang’ at ‘Amarga Drug Group’. Nakakakuha  umano ng kanilang  supply  ang mga suspek mula sa  ilang mga  Chinese Nationals  sa Myanmar  at dinadala sa Pampanga.

Sinabi ni  Sinas na ang  nasabing operas­yon ay indikasyon na tuluy-tuloy ang drug operations ng  PNP sa kabila ng kanilang pag-alalay  at pag-ayuda sa  regulasyon at curfew bunsod ng banta ng coronavirus sa bansa.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with