^

Metro

COVID-19 ‘surge’ patuloy, mga ospital ‘full capacity’ pa rin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 �surge� patuloy, mga ospital �full capacity� pa rin
Umapela rin ang PGH sa iba pang ospital na mag-admit ng mga non-COVID patients upang tumutok na lang sila sa COVID-19 patients.
The STAR/Miguel de Guzman, file

Kahit patapos na ang ECQ

MANILA, Philippines — Nararamdaman pa rin ng mga health wor­kers ng Philippine General Hospital (PGH) ang ‘surge’ ng coronavirus disease 2019 (CO­VID-19) dahil ‘full capacity’ pa rin ang intensive care unit (ICU) nito habang 90 porsyento ng  COVID-19 beds ay okupado, ayon sa tagapagsalita na si Dr. Jonas Del Rosario.

“Nadarama pa rin namin yung surge kung tawagin, puno pa rin po ang aming ICU at marami po kaming mga pasyenteng severe, ang iba po critical naghihintay po ng kama, ‘yung iba po nasa emergency room,”ani Del Rosario.

Sinabi ni Del Rosario na hindi na nila maasikaso ang mga pasyenteng may malalang kaso  na ini-refer ng ibang ospital dahil puno na ang kanilang ICU.

Aniya, ang occupancy ng mga kama ay 230 mula sa 250 COVID-19 beds o 90 porsiyento  na okupado.

Hindi rin aniya, pwedeng magdagdag pa ng mga kama na may ICU setting dahil kailangang may mga espesyalistang doktor at nurses na kailangan ding tututok doon.

Isinara na rin aniya, ang dalawang non-COVID wards at hindi na tatanggap pa ng non-COVID patients maliban na lang kung agaw-buhay at ‘yung manganganak na o imminent deliveries.

Umapela rin ang PGH sa iba pang ospital na mag-admit ng mga non-COVID patients upang tumutok na lang sila sa COVID-19  patients.

Gayundin, umapela sila sa publiko na bago magtungo sa  emergency room ng PGH ay komontak muna sa hotline number 155-200  upang ma-asses kung kailangan silang dumiretso sa ospital o bigyan ng iba pang payo para sa tamang gawin , dahil kung halos lahat ay susugod sa ER, da­dagsa at lalong mahihirapan ang mga pasyente sa paghihintay na posibleng mahawaan pa ng mas malalang sakit.

Sa Abril 11 ang pagtatapos ng enhanced community quaratine (ECQ) sa National Capital region (NCR) plus sa layuning mapababa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19).

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with