^

Metro

COVID-19 cases sa PNP tumaas na sa 15,646

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 cases sa PNP tumaas na sa 15,646
Ayon kay PNP Spokesman P/Brig. Gen. Ildebrandi Usana, isa pang pulis ang nadagdag sa talaan ng mga binawian ng buhay sa CO­VID 19. Ang nasabing bilang ay naitala dakong alas – 6 ng gabi nitong Biyernes Santo.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 15,646 ang kaso ng COVID -19 sa Philippine National Police (PNP) habang nasa 40 na ang nasawi makaraang isa pang pulis ang binawian ng buhay matapos na ma-infect ng virus.

Ayon kay PNP Spokesman P/Brig. Gen. Ildebrandi Usana,  isa pang pulis  ang nadagdag sa talaan ng mga binawian ng buhay sa  CO­VID 19. Ang nasabing bilang ay naitala dakong alas – 6 ng gabi nitong Biyernes Santo.

Sinabi ni Usana ang hu­ling nasawi sa COVID 19 sa hanay ng kapulisan ay may ranggong P/Staff Sgt, 40-anyos at nakatalaga sa Administrartive Office ng Manila Police District (MPD).

Ayon kay Usana, ang COVID- 19 sa PNP ay nasa 2,603 ang aktibong kaso na patuloy na minomonitor ang kondisyon.

Naitala naman sa 13,003 ang mga nakarekober sa kung saan nasa 213 ang mga bagong  gumaling sa virus.

Nakapagtala rin ang PNP ng aabot sa 328 mga bagong kaso ng mga pulis na na-infect ng virus.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with