^

COVID-19 case, sumirit sa Maynila

(Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala si Manila City Mayor Isko More-no sa biglaang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa siyudad kasunod ng pagkakadiskubre ng iba’t ibang variant ng virus sa bansa.Sa datos buhat sa Mani­la Health Department (MHD), nakapagtala ng 196 bagong kaso nito lamang nakaraang Huwebes. Dahil dito, umakyat sa 715 ang mga aktibong kaso sa Maynila at tumaas din ang kabuuang bilang ng dinapuan sa 28,662.

“Mga kababayan hindi po tayo nagkakaganyan sa mahabang panahon, eh baka lang nakakaligtaan ninyo na meron pa ring COVID-19 at ito ay maaa-ring mabilis na kumalat dala ng mga napaba­lita na mga bagong variants,” ayon kay Moreno.

Sa kasalukuyan, nasa 61 porsyento na ang occupancy rate ng mga quarantine facilities sa lungsod o may 225 pasyente sa 371 bed capacity. (Danilo Garcia)

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with