^
Mga ospital sa Metro Manila, humirit pa ng bakuna
Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, Spokesperson ng naturang ospital, mas dumami na ang mga health workers ang nais ngayon magpabakuna makalipas ang tatlong araw na vaccine rollout.
AFP/Yaksin Akgul

Mga ospital sa Metro Manila, humirit pa ng bakuna

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na  pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna, humihingi na rin ang mga empleyado ng East Avenue Medical Center sa Quezon City ng karagdagang Sinovac vaccine.

Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, Spokesperson ng naturang ospital, mas dumami na ang mga health workers ang nais ngayon magpabakuna makalipas ang tatlong araw na vaccine rollout.

Base sa kanilang listahan, 100 lamang ang unang nagparehistro para magpabakuna kahapon mula sa 1,200 na mga empleyado nito at  nagulat sila ng malamang ang 175 pa nilang empleyado ay nais na ring magpabakuna ng Sinovac Vaccine.

Ikinatuwa naman ito ni Dr. Odoña kasabay ng apela sa Department of Health na dagdagan ang naunang dosage na ibi­nigay sa kanila.

Una ng nabigyan ng 300 dosage ng Sinovac Vaccine ang East Avenue Medical Center noong Martes kung saan unang nabakunahan ang Medical Chief na si Dr. Alfonso Nuñez at Head Nurse na si Rose Marie Reyes ng ospital. Magugunitang humirit na rin ka­makalawa ng dagdag na bakuna ang Philippine General Hospital makaraang tumaas ang bilang ng kanilang mga health wor-kers na nagnanais nang magpabakuna.

Ang San Lazaro Hospital din, ay sinasabing kinakapos na rin sa baku­na makaraang magpasya ang marami nilang health workers ang nagpasya na maturok sa kanila ang Sinovac vaccine.

VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with