^
Localized lockdown sa Metro Manila, inirekomenda ng OCTA
Sa latest update ng grupo, patuloy ang pagtaas ng antas ng pagkahawa sa Metro Manila na umabot na sa 1.32 mula 1.22 noong Pebrero 21.
The STAR/Edd Gumban, file

Localized lockdown sa Metro Manila, inirekomenda ng OCTA

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng OCTA Research team sa Metro Manila LGUs na magpatupad ng localized lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 araw-araw sa NCR.

Sa latest update ng grupo, patuloy ang pagtaas ng antas ng pagkahawa sa Metro Manila na umabot na sa 1.32 mula 1.22 noong Pebrero 21.

“New cases in NCR are expected to increase at least in the short term.Positivity rate in NCR was 5% over the past seven days,” ayon sa OCTA.

Ngayon ay nasa 56 barangay at lugar na ang isinailalim sa loca-lized lockdown sa Pasay matapos makitaan din ng 160% surge sa mga bagong kaso ng virus mula Pebrero 16 hanggang 21.

Base rin sa pag-aaral ng OCTA, naka­pagtala rin ng 40% pagtaas sa kaso ng COVID sa Malabon, Manila, Makati, Taguig, Parañaque at Marikina kumpara sa nakali­pas na dalawang linggo.

Sa buong bansa naman, nakita­an ang Cebu City ng pinakama­taas na bagong mga kaso ng COVID-19 na umaabot sa 220 kada-araw sa nakali­pas na pitong araw mula  Pebrero 16 hanggang 22.

“Hospital occupancy was still mode­rate at 53 percent, as the increase in critical care utilization has been controlled not just b the slowing down of the pandemic in Cebu City, but also the continued pandemic management of the local government, which helped increase hospital bed capacity by at least 10 percent,” dagdag ng  OCTA.

COVID-19 LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with