^

Mga manggagawa sa Quezon City, Navotas babakunahan din kahit ‘di residente sa lungsod

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak din ng pamahalaang lungsod ng ­Quezon City at Navotas na isasama rin sa kanilang pagbabakuna ang mga manggagawa na hindi residente sa kanilang lungsod.

Ayon ito kay Mayor Joy Belmonte at Navotas Mayor Toby Tiangco sa virtual forum ng Kapihan sa Manila Bay kahapon.

Ayon kay Belmonte, hindi masasawata at matitigil ang pagkalat ng virus kung mamimili ng mga babakunahan laban sa COVID. Sinumang nagtatrabaho sa lungsod ng Quezon na nangangailangan ng bakuna ay mabibigyan ng pamahalaang lungsod.

Aniya, residente man o hindi, dapat na makakuha ng bakuha para sa kanilang proteksyon. Pantay pantay aniya ang trato at pagseserbisyo sa lahat.

“How can you achieve herd immunity kung ‘yung residents mo lang ang babakunahan mo tapos ‘yung kalahating hindi mo residente, ‘di mo babakunahan? Eh di makakahawa pa rin sila dito,” ani Belmonte.

Sinabi naman ni Tiangco na maging ang mga private firms at nagtatrabaho sa lungsod ay bibigyan ng vaccine.

Dagdag pa ni Tiangco, hindi umano isyu sa kanila kung pondo ng lungsod ang ginamit sa pagbili ng vaccine. Prayoridad nila na tulungan ang pamahalaan na maproteksiyunan ang publiko laban sa virus ng COVID-19.

BAKUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with