^

Metro

Metro Manila LGUs, kasado na ang gagawing pagbabakuna

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila LGUs, kasado na ang gagawing pagbabakuna
Marami ang nakiisa sa isinagawang vaccine simulation sa Mandaluyong City na paghahanda sa gagawing aktuwal na pagbabakuna na inaasahang masisimulan sa buwan ng Marso. Naglaan ang Mandaluyong City ng sampung paaralan para gamiting vaccination centers.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kasado na ang ilalatag na pagbabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa 17 lungsod ng Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, Martes ng gabi ay nakipagpulong ang 17 Metro mayors sa mga opisyal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na pinangunahan ni chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., para talakayin ang mga plano sa programa ng pagbabakuna para sa nalalapit na pagdating sa bansa ng unang batch ng COVID-19 vaccines.

“Secretary Galvez assured that the initial batch of COVID-19 vaccines will arrive before the end of February. I think they can finalize it in the next few days,” ani Garcia.

Ani Garcia, hindi man tinukoy kung ano ang mga brand ng bakuna, tatlong brand ang inaasahang darating sa katapusan ng Pebrero.

Binigyang-diin ni Garcia na nakatuon ang atensiyon sa programa ng pagbabakuna sa National Capital Region at mga malalaking lungsod tulad ng Cebu at Davao upang higit na mapalakas ang ekonomiya, dahil ang mga lugar na ito ay matatagpuan ang mga premiere district ng negosyo.

Samantala, bibisitahin ng National Task Force against COVID-19 ang lahat ng local government units (LGUs) sa Metro Manila para suriin ang mga ginawang paghahanda at plano sa pagsasagawa ng bakuna.

“We all know that these vaccines are sensitive and will require proper handling and storage,” ani Garcia.

Kamakalawa, nagsagawa na ng inspeksiyon si Garcia at iba pang miyembro ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team sa Pasig, ang unang lokal na pamahalaan na naaprubahan ang vaccination plan ng Department of Health-World Health Organization.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with