Pagpapa-ilaw sa mga lansangan hiling ng MMDA sa DPWH
MANILA, Philippines — Hiniling ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na isaayos ang mga ilaw ng mga pangunahing lansangan sa Metro Manila para sa mas ligtas na paglalakbay.
Ani Abalos, napakahalaga ng street lights dahil kung mas maliwanag, hindi man maiwasan ang pagkakaroon ng mga aksidente, mas mababawasan naman ang fatal road accidents.
“Public safety is our utmost priority. Only one busted or broken light would endanger lives,” paliwanag ni Abalos sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng DPWH at Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules.
“Without the street lights, our motorists and commuters are in danger. Part of road safety is making the road visible to all its users, anang MMDA chief.”
Sang-ayon naman si DPWH Undersecretary Robert Bernardo na ayusin ang lahat ng street lights sa mga pangunahing kalye at i-turn over ito sa MMDA sa loob ng 10 araw. Ang DPWH din ang magbabayad sa electric bill ng road lights hanggang sa oras na mailipat na ang mga ito sa MMDA.
- Latest