Anggulo ng droga sa Dacera case, idinikta ng pulis
Ang mga ‘persons of interest’ sa Dacera case nang dumalo sa isinagawang preliminary investigation kahapon.
Michael Varcas

Anggulo ng droga sa Dacera case, idinikta ng pulis

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

Ibinulgar ng 2 sa mga ‘suspect’

MANILA, Philippines — Idinikta lang umano ng mga Makati Police sa mga suspek na may presensya ng ilegal na droga sa naganap na New Year’s party  sa City Garden Grand Hotel kung saan nangyari ang pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Ito ang sinabi ni Atty. Abigail Portugal, na na-pressure lamang ang kaniyang mga kliyente na sina John Paul Dela Serna III at Rommel Galido na sumunod sa idinikta ng pulis kapalit nang pagpapalaya umano sa kanila at hindi na makakasuhan.

“The powder issue insinuating drug use actually came from the mouths of PNP [Philippine National Police] Makati. It was added by them after subjecting the two [Galido, Dela Serna] detained to mental torture and misrepresentation, that they will be released from detention and no charges will be filed, if ever they will come up with fabricated, tampered afterthought, object and scientific medico-legal evidence,” pahayag ni Portugal.

Bukod kina Galido at Dela Serna, si Atty. Portugal din ang abugado nina Valentine Rosales, Clark Jeezrel Rapinan. Gregorio Raphael De Guzman.

Binanggit pa nito, na lahat sa kanyang limang kliyente ay negatibo sa drug test.

Kasama ito sa inihaing counter-affidavits ng pito sa labing-isang respondents sa reklamong rape with homicide na inihain ng Makati Police sa Makati Prosecutor’s Office

Hiwalay naman na nag­hain din ng counter-affidavit ang respondent na si John Paul Halili, habang kapwa kinatawan lamang ng kanilang legal counsel ang nagsumite ng counter-affidavits para sa respondents na sina Louie De Lima at Rey Englis.

Naghain ng dalawang mosyon ang Makati Police para sa nasabing reklamo.

Una ay ang motion to reset preliminary investigation, upang bigyan pa sila ng sapat na panahon na makumpleto ang iba pang mga ebidensiyang isusumite sa piskalya tulad ng mga body examination results na ginawa kay Dacera.

Ikalawa ay ang mapagbigyan sila na maghain ng supplemental complaint upang maisama pa ang walong mga kasama sa nasabing party, na nasa Room 2207, na hindi pa nasampahan ng reklamong rape with homicide.

Dumalo din sa preliminary investigation ang ina ni Christine na si Sharon Dacera at ang tagapagsalitang si Atty. Bricks Reyes.

Naniniwala naman ang kampo ni Dacera na mas kapani-paniwala ang ikalawang awtopsiya na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) kahit pa limitado lamang ang nakuhang samples ng specimen.

CHRISTINE DACERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with