100 bahay nasunog sa Quezon City

100 bahay nasunog sa Quezon City

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa 100 bahay na gawa sa mahihinang materyales ang natupok ng apoy sa isang residential area sa NIA Village barangay Sauyo Quezon City kahapon ng alas 8 ng umaga.

Ayon sa QC Fire department, mabilis na sumiklab ang apoy sa lugar  dahil sa gawa sa kahoy ang mga bahay dito at mahirap pasukin ng trak ng bumbero dahil sa dikit dikit na bahay  na may napakaliit na daan at iskinita roon.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog na nagsimula bandang alas-8:23 ng umaga at naapula ang apoy ng alas-11 ng umaga kahapon.

Sa inisyal na imbes-tigasyon, may 200 katao ang nawalan ng tahanan sa sunog, wala namang nasugatan at may kabuuang halagang P1.5 milyon ang napinsala sa insidente.

Patuloy na iniimbes­tigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with