^

Water interruption ng Maynilad, pinalawig

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matatagalan pa bago bumalik sa normal ang suplay ng tubig sa mga kostumer  na siniserbisyuhan ng Maynilad.

Ito ay dahil pinalawig pa ng nasabing water concessionaire ang umiiral na rotational water interruption sa malaking bahagi ng Metro Manila at karatig-probinsya na kanilang siniserbisyuhan.

Base sa public statement ng Maynilad, hindi pa rin  tapos ang paglilinis sa natitirang isang sedimentation basin ng La Mesa Dam Treatment Plant na naapektuhan ng mga nakaraang bagyo.

Aminado ang Maynilad, hindi nila natupad ang pangakong hanggang November 24, 2020 na paglilinis sa makapal na putik na dala ng bagyong Ulysses at posibleng abutin pa ng hanggang limang araw mula kahapon  ang paglilinis sa treatment facility bago tuluyang maibalik ang normal service sa mga kostumer.

Pero dahil isang sedimentation basin na lang ang hindi operational, nabawasan na rin ang mga lugar na nakakaranas ng water interruption.

MAYNILAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with