^

Metro

‘Walang magre-relax’-Yorme

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�Walang magre-relax�-Yorme
“Wear masks. Kung kaya, bumili kayo ng face shield. ‘Wag n’ýong isipin na konti na ang impeksyon, pwede na ang lahat,” ani Manila Mayor Isko Moreno.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umapela si Manila Mayor Isko Moreno sa mga Mani­lenyo na huwag munang mag-relax at ipagpatuloy pa rin ang ginagawang pagsunod sa minimum health protocols upang hindi matulad sa ibang bansa na muling nakikipaglaban dahil sa resurgence ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Iginiit ng alkalde na kahit bumaba pa ang kaso sa isang lugar ay hindi pa rin ligtas sa hawaan.

“Wear masks. Kung kaya, bumili kayo ng face shield. ‘Wag n’ýong isipin na konti na ang impeksyon, pwede na ang lahat,” ani Moreno.

Aniya, ang rekord mula sa Manila Health Department  na may pinakamataas na kaso pa ng COVID-19 sa Tondo, Sampaloc at Malate.

Sa huling datos naman, may 54  na bagong CO­VID-19 cases sa lungsod; 484 active cases; 307 suspect at  66 probable. May kabuuang 125 recoveries habang lima ang nasawi.

Nasa 39,714 na ang nai­salang sa libreng swab tests.

Masaya naman si Moreno na sa kabila ng dami ng naihandang quarantine facilities (QFs), marami sa mga ito ang hindi pa nagamit dahil walang pasyente.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with