^

Metro

SAP ng mga taga-Quezon City mula sa DSWD, naipamahagi na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) ang Social Amelioration Program (SAP) second month payment para sa 168,172 waitlisted na qualified beneficiaries  sa Quezon City  sa pamamagitan ng GCash.

Ayon sa DSWD, mula  naman sa Nobyembre 3 hanggang November 15, isusunod nilang  ipapamahagi sa pamamagitan ng STARPAY ang ikalawang buwang ayuda para sa 134,406 benepisyaryo mula sa first tranche, pati na ang 114,048 na benepisyaryong waitlisted.

May waitlisted din na makakakuha ng kabuuang P16,000 dahil hindi nila nakuha ang kanilang unang buwang ayuda.

Ang payout ng STARPAY ay makukubra  mula sa M. Lhuiller, Cebuana Lhuiller at Western Union.

Target ng DSWD na maserbisyuhan ang may 3,000 benepisyaryo kada araw.  Ayon dito, gagawin din ang manual payout -offsite pay-out  base sa clustering ng mga barangay, at makikipag -ugnayan ang Starpay sa  QC government para rito.

Bago ito, ipapamahagi ng lokal na pamahalaan ang stub na may Beneficiary Reference Number (BRN) mula sa STARPAY.

Nangako si QC Mayor Joy Belmonte na patuloy na makikipag-ugnayan ang  lokal na pamahalaan sa DSWD para sa maayos na pamamahagi ng  kanilang SAP na pinangangasiwaan ng naturang ahensiya. Ang mga hindi nakakuha ng SAP mula sa DSWD ay nabigyan din ng local SAP ng QC government sa ilalim ng “Kali­ngang QC”.

vuukle comment

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with