Higit 500 biyahero stranded sa mga pier
Mahigit sa 500 pasahero ang na-stranded sa North Port Terminal sa Maynila dahil sa bagyong Quinta na naglandfall kahapon ng umaga sa Pola, Oriental Mindoro at inaasahang lalabas ng bansa ngayong araw na ito.
Kuha ni KJ Rosales
Higit 500 biyahero stranded sa mga pier
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa 500 mga biyahero at daan-daang mga cargo ang na stranded sa iba’t ibang mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol at Eastern Visayas dahil sa pananalasa ng bagyong Quinta kahapon.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) dakong alas-12 kahapon ng tanghali, may 577 mga pasahero, truck drivers at cargo helpers ang nananatili sa 26 na mga pantalan.  Naantala rin ang pagbiyahe ng 473 rolling cargos, 21 barko at 10 motorbancas.

Bukod dito, may 121 sasakyang pandagat at 51 motorbanca ang kinailangan na ilikas sa pagkaka-angkla sa karagatan at sumilong bilang ‘precautionary measures’ sa banta ng bagyo.  

“The PCG Command Center is on 24/7 monito­ring to strictly implement guidelines on the movement of vessels during heavy weather. Meanwhile, Coast Guard Districts, Stations, and Sub-Stations across the country are on standby to respond on emergency situations, in coordination with local go­vernment units and disaster response teams,” ayon sa PCG.

 

TYPHOON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with