^

Metro

‘Tulak’ todas sa parak

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Patay ang isang tulak nang tangkaing barilin ang isang nagpapatrulyang pulis kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa katawan ang suspek na si Ronald Aguinaldo, 40, ng Brgy. 176 Bagong Silang.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, nagsasagawa ng foot patrol si PCpl. Joe Laurence Balinggao ng Bagong Silang West Sub-Station 12 sa kahabaan ng Phase 9 Package 3, Bagong Silang dakong 7:30 ng gabi. Napansin ng pulis ang suspek na walang suot na damit habang naglalakad at may nakasukbit sa kanyang baywang na improvised gun.

Tinangkang lapitan ni PCpl. Balinggao si Aguinaldo subalit, binunot ng suspek ang kanyang baril at pinaputukan ang pulis ngunit hindi pumutok ang baril.

Dahil sa nakitang panganib sa kanyang buhay, inilabas ni PCpl. Balinggao ang kanyang service firearm at pinutukan ng isang beses sa katawan ang suspek.

Narekober sa crime scene ng rumespondeng mga tauhan ng NPD Crime Laboratory Office sa pangunguna ni P/Maj. Argentina Casino ang improvised gun na kargado ng bala ay dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

vuukle comment

NPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with