Nahuling drug suspect, nabaril sa presinto
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na inaresto dahil sa ilegal na droga makaraang aksidente umanong mabaril ng isang pulis sa loob ng Moriones Police Station habang nag-aagawan sa armas, kamakalawa ng gabi.

Tinatayang nasa 35-taong gulang ang nasawing suspek, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, at may mga tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng naturang istasyon, unang nahuli ang suspek dakong alas-8:50 ng gabi sa may Chacon Street, Tondo ng mga pulis dahil sa ilegal na droga at dinala sa kanilang presinto para iproseso. Alas-9:15 ng gabi, habang pinoproseso ang suspek bigla umanong nakapaglabas ito ng baril na itinago sa kaniyang brief at pinaputukan si P/Cpl Jomar Caligaran na masuwerteng hindi tinamaan.  Nagawa naman ng pulis na makipagpambuno para maagaw ang baril na biglang pumutok at tinamaan ang suspek sa mukha.

Agad na isinugod umano sa Mary Johnston Hospital ang suspek na hindi na umabot ng buhay. Narekober naman ang kalibre .22 baril na isinasailalim ngayon sa ballistic examination.

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with