^

Metro

Police Captain inatake ng lady Grab driver

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ng isang 26-anyos na lady grab driver nang hampasin sa ulo ang isang pulis nang hindi agad umabante sa driveway area ng isang coffee shop, sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa reklamong Alarm and Scandal, Direct Assault at paglabag sa  Article 151 ng Revised Penal Code o Resistance and disobedience to a person in authority sa Taguig city Police Station ang suspek na si Mary Florence Norial, grab driver, ng Baguio City.

Sa reklamo ni P/Captain Ronald D. Saquilayan, 51, nakatalaga sa Pateros Police Station dakong alas- 7:20 ng gabi kamakalawa nang pansamantala siyang mag-park sa driveway ng isang coffe shop sa Ca­yetano Boulevard, Brgy. Ususan, Taguig para sunduin ang kanyang anak nang pagsisigawan siya ng babaeng sakay ng kulay blue na Hyundai Accent. Lumabas umano ito ng sasakyan at kinatok ang kaniyang kotse at kinompronta.

Napilitang bumaba umano ang pulis sa kotse at isinumbong sa security guard ang ginawa ng babae para paliwanagan ito hinggil sa policy ng driveway, bago bumalik sa sasakyan.

“Halos mabasag ang salamin ng kotse ko, ‘di ko nga siya papatulan kahit tama ako kasi babae siya, ang driveway na ‘yun para sa mga customer ng Starbucks, pinagmumura niya ako at itinulak pa niya yung pintuan, ayaw niya ko papasukin sa kotse ko, nung nakapasok ako natumba siya ay tutulungan ko pa siyang tumayo, kaso ako na ang hinampas niya habang nagvi-video siya,” sa panayam ng PSN kay Saquilayan.

Sa puntong iyon ay ang biktima na mismo ang umaresto sa suspek na nagwawala at nagpupumiglas pa.

Iti-nurn over sa Taguig Police ang suspek para sa pormal na reklamo subalit doon naman ito pumapalag at nagwala kaya mismong mga tauhan ng Taguig Police Station ay naghain din ng reklamo laban sa suspek

vuukle comment

GRAB DRIVER

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with