Emergency hotline 911 fully operational na – DILG
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary ­Eduardo M. Año na maaari nang muling matawagan at operational na ang Philippine Emergency Hotline 911 matapos na ito ay pansamantalang nagbawas ng ope­rasyon dahil sa mga ilang emergency communicators na tinamaan ng COVID-19, kamakailan.

Kaugnay nito, pinasalamatan din ni Año ang publiko sa kanilang pang-unawa sa problemang kinahaharap ng Emergency 911 Hotline.

Nabatid na ang E911 hotline ay isang prog­rama ng DILG para maka-responde sa mga emergency situation sa mga taong nasa kagipitang sitwasyon. Ang tumatawag sa mga numerong ito ay yong mga humihingi ng tulong para sa police assistance, fire reports, emergency medical assistance, search at rescue, gayundin ang tungkol sa mga chemical, biological, radiological, nuclear, at explosive (CBRNE) materials.

Kamakailan lang ay inihayag ng DILG na ang tawag sa Emergency 911 mula sa National Call Center ay pansamantalang ipinadadala sa walong local call centers matapos na limang emergency telecommunicators (ETCs) nito ang mag-positibo sa COVID-19.

Sinabi ni Año na ang problema ay lalong lumala nang ang 20 Bureau of Fire Protection (BFP) detailed personnel ay magpositibo rin sa CO­VID-19 virus na na­ging dahilan sa pag-antala ng pagbabalik-operasyon nito.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with