^

Metro

Bebot patay sa hit-and-run

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Patay ang isang babae makaraang ma-hit-and-run ng isang taxi kahapon ng madaling araw sa San ­Andres Bukid, Maynila.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima na inilarawan na nasa pagitan ng edad na 50-60 taong gulang, may taas na 4’10”, maigsi ang buhok na may kulay na brown, nakasuot ng color printed na shorts, red at white na striped na kamiseta.

Sa ulat ng Sta. Ana Police Station 6, naganap ang insidente dakong alas-5:37 ng madaling araw sa kanto ng President Osmeña Highway at Zobel Roxas Street.  Isang saksi ang nakakita nang pagtawid ng biktima sa kalsada at mabundol ng isang rumaragasang taksi.

Ayon sa saksi, bumaba ng taksi ang tsuper at tinignan ang kalagayan ng kaniyang nabundol ngunit sa halip na isugod sa ospital ay muling sumakay ng sasakyan at humarurot sa pagtakas.

Huli na nang makaresponde ang mga pulis sa lugar nang abutan na wala nang buhay ang biktima.  Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente at pinag-aaralan ang kuha ng mga CCTV sa bisinidad para matukoy ang taksi at makilala ang driver na nakabundol.

vuukle comment

HIT AND RUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with