^

Metro

Namatay na ostrich dahil sa stress, inadobo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inadobo umano ang karne ng isa sa dalawang ostrich na unang namataang pagala-gala sa isang subdibisyon sa Quezon City at malaunan ay namatay dahil sa stress.

Inamin ni Atty. Charlie Pascual, na abogado ni Jonathan Cruz, may-ari ng ostrich, na kinarne at ginawang adobo ng  mga tauhan ni Cruz ang namatay na ostrich.

Nabatid na nang malaman ni Cruz na namatay ang ostrich ay inutusan niya ang kanyang mga tauhan na ilibing ito.

Gayunman, nagulat na lang umano ang may-ari nang malaman na sa halip na ili­bing ay kinarne at inadobo ng mga tauhan ang ostrich kaya’t wala na itong nagawa.

Matatandaang noong Agosto 4, na ­unang araw nang muling pag-iral ng modified ­enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, ay namataan ang dalawang ostrich, na isang lalaki at isang babae, na pagala-gala sa Mapayapa Village 3, Quezon City.

Isa sa mga ito ang nakuhanan ng video at ipinaskil sa social media, kaya’t nag-viral pa.

Kaagad rin namang nahuli ang mga ostrich ng ilang security guard ng subdibisyon.

Malaunan, inamin ni Cruz na namatay ang isa sa mga ostrich dahil sa stress, habang ang isa pa ay itinurn-over na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para maalagaang mabuti.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with