^

Metro

Kagawad itinumba sa loob ng brgy. hall

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kagawad itinumba sa loob ng brgy. hall
Ang nasawing si brgy. kagawad Antonio Calma Jr. na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa loob ng brgy. hall sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Agad na nasawi ang isang brgy. kagawad makaraang pasu­kin at pagbabarilin sa loob ng barangay hall ng dalawang hindi nakilalang salarin, kama­kalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Antonio Calma Jr., 43, binata, kagawad at Officer-in-Charge ng Brgy. 484 Zone 48, Sampaloc at nakatira sa Simoun Street, Sampaloc.

Bigo naman na ma­kilala ng mga saksi ang dalawang salarin na kapwa nakasuot ng jacket na may hood, ball cap at face masks.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril dakong alas-10:30 ng gabi sa loob ng barangay hall ng Brgy. 484 Zone 48 sa Algeciras Street, Sampaloc.

Sa salaysay ni Kagawad Errol Dela Cruz, nasa gitna sila ng pulong kasama ang iba pang mga opisyal nang biglang pumasok ang mga salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril si Calma. Hindi naman ginalaw  ng mga gunmen ang ibang tao sa lugar tanda na tanging target nila ang biktima.

Agad na tumakas ang mga salarin sakay ng isang kulay pulang Toyota Innova habang isang gray Pajero type SUV na walang plaka ang bumuntot dito patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan inaalam kung may kinalaman sa gawain sa kanilang barangay ang motibo ng pamamaslang.  Nakatakdang pag-aralan rin ng mga imbestigador ang footage ng mga CCTV camera sa bisinidad.

vuukle comment

KAGAWAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with