COVID contact tracing app sa Maynila, magagamit na
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari nang mas mabisang makaiwas ang mga Mani­lenyo sa mga lugar na may naitalang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa paglulunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng kanilang “Stay Safe Manila” contact tracing mobile application. Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ang mga magrerehistro sa naturang mobile app ay maaaring ma-monitor ng ‘real time’ kung may kaso ng COVID may 10 metro hanggang 1 kilometro o higit pa  sa kanilang kinalalagyan.

Maaaring ma-access ng mga residente ng Maynila ang ‘ Stay Safe Manila’ sa pamamagitan ng pagtungo sa website na, https://manila.staysafe.ph/.

Sa virtual conference sa mga University at College presidents ng lungsod, hiniling niya sa kanila na hikayatin ang kanilang mga estudyante na gamitin ang naturang application.

“Ask your students, your staff, this is a very powerful app herein. Through registration you will be informed real time where there is positive COVID-19, probable, or suspected within your vicinity,” ayon kay Domagoso. Sinabi ni Domagoso na ang mga kabilang sa bracket na ito ay iyong mga nabigyan ng ‘quarantine pass’ ng mga barangay para lumabas at bumili ng kanilang pangangailangan ngunit nahawa sa kanilang komunidad.

“Because of this application, the people will track the presence of COVID-19 lalo na ngayong GCQ (General Community Quarantine) and lalo na kung mag-MGCQ (Modified General Community Quarantine) na tayo,” dagdag ng alkalde.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with