Nasa likod ng COVID rapid tests sa Parañaque subdivision, iimbestigahan
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Papanagutin sa batas ni Metro Manila Council (MMC) at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang sinumang matutukoy na private owner ng clinic o laboratory na nagsagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) rapid testing sa may 300 wor­kers ng Philippine Offshore and Gaming Ope­rators (POGO) karamihan ay Chinese sa open space sa loob ng Barangay BF Homes Subdivision, sa Parañaque City.

Sinabi kahapon ni Mayor Olivarez na “ Pani­gurado, may mananagot sa kanila...kung POGO employees dapat sinala sila ng kanilang emplo­yers sa pribadong laboratory o hospital.”

Bukod sa walang request o permit mula sa city government na magsasagawa ng rapid test sa Clubhouse ng BF Homes, nalabag din ang quarantine protocol na umiiral dahil sa pagdagsa umano ng POGO employees na nakapila sa nasabing testing center.

”Hindi dapat ginawa sa open space ang ano mang test dahil baka kumalat sa mga residente roon ang virus, “anang alkalde.

Kahapon ay iniutos na ni Olivarez sa city legal office ang pag-iimbestiga para sa isasampang rek­lamo laban sa nag-ope­reyt ng nasabing testing center.

Una nang inatasan ng alkalde ang POGO operators na magsumite ang kanilang mga em­pleyado ng COVID-19 test results bago magsipag-balikan sa trabaho. Nabatid na nasa 35,000 ang Chinese employees ng POGO sa Parañaque.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with